Nais mo bang magtrabaho nang masaya sa oras na wala kang ginagawa? Nais mo bang magtrabaho nang masaya sa oras na wala kang ginagawa?
Nais mo rin bang
magtrabaho sa
Ito-Yokado?
Magtrabaho ng part-time sa Ito-Yokado, naghahanap kami ng part-time na magtatrabaho. Okay lang kahit walang karanasan, maaari rin magtrabaho kahit maikling oras. Nais mo bang magtrabaho nang masaya sa oras na wala kang ginagawa? Maraming nagtatrabaho rito na may iba't ibang nasyonalidad at edad.

Seksyon ng pang araw-araw na pagkainMs. M (20s ang edad, Babae/Part-time)

  1. 4 na araw sa isang linggo
  2. 17:00~21:00
Seksyon ng pang araw-araw na pagkain

Kampanteng makakapagtrabaho kapag sa Ito-Yokado.
Gagaling ka pa sa pagsasalita ng Nihongo!

Dumating ako sa Japan 1 taon na ang nakalilipas. Nalaman ko sa kaibigan ko sa eskuwela ang tungkol sa job opening sa Ito-Yokado. Ang kaibigan kong iyon ay nauna sa akin na dumating sa Japan. Kasama ko rin siyang nagtatrabaho sa Ito-Yokado.
Ang trabaho ko dito ang pinakauna kong naging part-time sa Japan. Dahil sa estudyante ako, inisip ko na magtrabaho para sa pamumuhay sa araw-araw, at para na rin masanay ako sa Japan. Kapag sa eskuwela kasi, kababayan ko lang din kasi ang nakakakusap ko.
Pero nung una, ay kinabahan din ako. Nag-aral na ako ng Nihongo bago pa ako dumating nang Japan, pero wala akong kompiyansa sa sarili ko. Inisip ko kasi na paano kapag kinausap ako ng customer. Pero naging maayos naman. Kasi pag hindi ko alam, agad akong tinutulungan ng nakakataas sa akin at ng senior ko. Kahit na yung mga taong walang kompiyansa, sa tingin ko ay kampanteng makakapagtrabaho sa Ito-Yokado.

Masaya akong nagtatrabaho sa araw-araw. Nagkaroon na rin ako ng kaibigan.

6 na buwan na ang nakalipas nang ako ay magsimulang magtrabaho sa Ito-Yokado. Ngayon, halos lahat ng tinatanong sa akin ng customer ay alam ko na. Tinuruan kasi ako ng maraming bagay ng nakakataas sa akin at ng aking senior. Gumaling na rin ako sa Nihongo sa tingin ko. Pero ang mahirap sa akin ay ang pangalan ng produkto. Sa Japan kasi, maraming produkto maging ang klase nito ay marami rin, kaya't talagang mahirap sauluhin ang mga pangalan nila.
Ako ay nagtatrabaho sa seksyon ng pang araw-araw na pagkain. Gatas/Mga produktong may gatas/Itlog/Tinapay at iba pa ang hawak ko. Ang pagkakahilera ng maganda ng mga produkto ay katangian ng Japan. Ako rin, masarap sa pakiramdam kapag natapos kong ihilera nang maganda ang mga produkto. Maging mga hapon at mga dayuhan ay nagtatrabaho sa Ito-Yokado. Nagkaroon ako ng kaibigan na hapon, at maging dayuhan man. Kumakain din kami sa labas. Masayang masaya ako sa aking pagtatrabaho.

Daloy ng trabaho sa 1 arawPara sa Seksyon ng pang araw-araw na pagkain

09:00 - 16:00Eskuwela

16:45 -Pasok sa Ito-Yokado

17:00 -Simula ng trabaho・Paglilinis sa hapon・Paglalabas ng paninda sa shop・Pag-aayos ng mga paninda na nasa shop

21:00 -Pagtatapos ng trabaho

21:15 -Uwi sa bahay

Tingnan ang job ad para sa part-time

Seksyon ng lutong-bahay na pagkainMs. J (30s ang edad, Babae/Part-time)

  1. 5 araw sa isang linggo
  2. 10:00~15:00
Seksyon ng lutong-bahay na pagkain

Ang trabaho ng Maybahay at trabaho ng Ito-Yokado.
Maayos ang pagkakabalanse.

May asawa akong Hapones, at may anak din kami. 6 na taon na ang nakalipas mula nang ako ay ikinasal. Sa kasalukuyan, ako ay nagtatrabaho sa seksyon ng lutong-bahay na pagkain sa Ito-Yokado. Ang job opening na ito ay nakita ko sa job ads site sa internet. Ika-4 na taon ko na ito. Sa panahon ng interbyu, nagpasiya ako na magtrabaho sa Ito-Yokado dahil nalaman ko na maraming nagtatrabahong maybahay at mga dayuhan. Mayroon na rin ako ng mga kaibigang maybahay, malapit rin ako sa ibang mga taga-ibang bansa. Lahat ay masiyahin kaya masaya.
Ang oras ng pagtatrabaho ko dahil sa maliit pa ang anak ko, ay ang oras lamang na iniiwan ko siya sa nursery. Nagtatrabaho ako mula alas 10 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon. Kung ganito ang oras, kaya kong magtrabaho sa oras na nasa nursery ang anak ko. Pag natapos ang trabaho, susunduin ko ang anak ko at saka kami uuwi. Dahil sa mabibili sa Ito-Yokado ang mga kailangan kong sangkap kahit na sa gabi, napaka-kombinyente.

Natuto rin akong magluto ng lutong hapon sa Ito-Yokado.
Maging ang pamilya ko ay natutuwa.

Sa seksyon ng lutong bahay, nagluluto ako ng side dish o Obento o nag-aayos ng mga paninda. Tinuruan ako nang mabuti ng mga empleyado at ng mga senior ko, nasanay din ako nang madali sa trabaho dahil mahilig akong magluto. Nasaulo ko na ang kaalaman sa pagluluto. Natuto ako ng lutong hapon at iba't ibang lutuin. Tulad ng nimono at okonamiyaki. Natutuwa ang aking pamilya kapag nagluluto ako sa bahay.
Habang nag-aayos ako ng mga natapos na produkto, may pagkakataon na nakakausap ko ang mga customer. Napupuri rin nila ako kapag nakikita nila ang name tag ko at sinasabihan ako na "ang galing mo mag-Nihongo". Talagang natutuwa ako. Meron ding customer na kinakausap ako habang nakangiti.
Gusto ko pang lalong matuto ng trabaho mula ngayon. Gusto ko rin na matagal pang magtrabaho sa Ito-Yokado hangga't maaari.

Daloy ng trabaho sa 1 arawPara sa Seksyon ng lutong-bahay na pagkain

09:45 -Pagkatapos kong ihatid sa nursery ang anak ko, Pasok naman sa Ito-Yokado

10:00 -Simula ng trabaho・Trabaho sa seksyon ng pagkaing lutong-bahay na paggawa ng Salad, Sandwich, Obento at iba pa

13:00 -Pahinga sa tanghali

13:45 -Simula muli ng trabaho・Paglalabas ng mga paninda sa shop・Pag-aayos ng mga paninda na nasa shop

15:00 -Tapos ng trabaho

16:00 -Mamimili sa Ito-Yokado saka uuwi

Tingnan ang job ad para sa part-time
※Ang imahe ay isang imahe.
Maghanap ng job ad gamit ang lokasyon ng trabaho
Bumalik sa tuktok ng pahina